Ganyan Talaga ang Buhay - Always Be Happy!

Sa buhay natin, madalas tayong nakararanas ng iba't-ibang pagsubok. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos palaging sinusubok ang ating lakas at katatagan. Wala sigurong tao sa mundong ito ang makapagsasabi na wala siyang problema sa buhay :D

Kaya nga minsan, hindi ba't nasasabi natin ang sarap maging bata. Oo nga eh! Sa kanilang musmos na isipan na wala pang kamuwang-muwang sa buhay ay naglalaro lang, nag-eenjoy at natutuwa sa mga bagay na kanilang nakikita. Minsan naman ay umiiyak pero ito ay panandalian lamang.

Kung tutuusin tayong mga nasa hustong gulang na, hindi naman mahirap maging masaya sa mundong 'to, alam naman na natin ang mga options at choice natin kung ano ang pipiliin natin.

Ang iba ay nahihirapan sapagkat ang mga ito ay hindi marunong makuntento sa kanilang buhay at sa sarili, gusto nila palagi silang bida o famous, mas angat sa ibang tao. Pride palagi ang pinaiiral. Kung ganito tayo mag-isip, mahirap mamuhay ng masaya.

Piliin mo ang buhay na masaya, baguhin ang mga maling kaisipan at humingi ng gabay sa Panginoon upang tayo ay tumahak sa buhay na puno ng pagmamahal at biyaya.

Comments