Beware of Fake News: Always Read the Whole Article


Nowadays, marami na ang nagkalat na iba't-ibang uri ng mga fake news na kung saan ginagamit ito ng mga troll sa maraming social media sites like Facebook, Twitter, Instagram, at mga blog site.

Sa unang tingin ay aakalain mong totoong-totoo ang mga ito dahil sa galing ng pagkaka-edit ng picture at pati ang title ay nakaka-intriga. Kung ikaw ay walang tiyaga na mag check at magbasa ay maaaring isa ka sa mga na-biktima ng mga troll na ito.

Kaya, my friend, be sure to think twice before you click and share any articles that you may encounter on your facebook feed, twitter feed, and instagram feed. Suriin mabuti ang laman nito kung totoo nga bang nangyari ito or kung mula ito sa mga credible news site.

Karamihan ng mga gumagawa nito ay nakatago ang kanilang mga identity o anonymous ang kanilang ginagamit, walang tunay na pangalan at contact details.

Sa pagkalat ng mga fake news, unang-unang naaapektuhan ang taong involve na nasa loob ng article nito. Ito ay hindi nakatutulong sa ating bansa at sa mga tao sapagkat ito ay nagdudulot lamang ng hindi maganda. Minsan ay nagiging sanhi ito ng pang ba-bash, pananakot, o kung minsan ay sobrang nagdudulot ng depression.

Nitong mga nakaraang buwan ay nagpahayag na rin ang mga malalaking news outfit sa ibang bansa maging dito sa Pilipinas, gumawa sila ng mga hakbang upang mapigilan pa ang paglala ng problema sa fake news. Nakisali na rin si Facebook at Google sa pag-kontra sa mga ito, sila ay kasalukuyang gumagawa ng paraan upang i-monitor ang mga ganitong hindi magandang gawain.

Here's the list of fake news websites:
1. http://fakenewswatch.com/ 
2. http://www.factcheck.org

Kaya mga friends, please lang, gamitin natin ang makabagong technology sa tamang paraan. Gamitin ito para mag spread ng awareness, tamang knowledge at impormasyon. Higit sa lahat spread the love stop hatred, ika nga nila.

Comments