Ang Buhay Nga Naman - It's Hard!

Purpose of Life
#YOLO You Only Live Once

Ang buhay nga naman, sa iilan ito ay napakadali ngunit sa nakararami ito naman ay napakamahirap. 

Bakit nga kaya ganito ang buhay natin dito sa mundo? 

Ano nga ba ang mga kasagutan sa mga tanong natin tungkol sa ating buhay?

Bawat isa sa atin ay unique. Iba-iba ang ating katayuan, experience sa buhay. Kaya iba-iba din ang pakahulugan o meaning ng life sa atin. 

Ang buhay ay pag-ibig.
Para sa akin ang meaning ng buhay ko ay pag-ibig, kasi naniniwala ako ng dahil sa pagmamahal tayo ay nilikha at ginawa tulad na lamang ng nasusulat sa Bible tungkol sa kung papaano tayo nilikha ng Diyos. Ganun din kung paano tayo naman ay isinilang sa mundong ito ay dahil sa pagmamahalan ng dalawang tao, ang ating mga magulang. 

Ang buhay ay may purpose.
Ako rin ay naniniwala na ang buhay natin sa mundong ito ay may purpose maging sino ka man, ano man ang kulay mo, ano man ang katayuan mo sa buhay, ano man ang iyong kasarian, lahi o relihiyon. Maaaring ang iba sa atin ay hindi pa ito nakikita sa ngayon, alm ko na darating ang panahon na marerealize natin kung ano ang purpose natin in life. 

Ilang beses ko na rin ito naitanong sa aking sarili at hinahanap ko ang aking purpose. Ang dami kong iniisip na puwedeng gawin at lagi kong pinagdarasal 'to. Pero alam niyo, Diyos na mismo ang gumawa ng paraan ipinapakita niya na pala sa akin hindi ko lang iminumulat ang aking mga mata, saka ko lang napagtanto na may dapat akong tulungan at ayusin sa aking pamilya. Saka ko lang naiisip ito ng tumira ulit ako sa mama ko.

Ang buhay ay puno ng pagsubok.
Sa totoo lang puwede naman gawin ng Diyos na gawing madali ang buhay natin o gawing pantay-pantay ang lahat. Ako ay naniniwala na may dahilan ang lahat ng mga nangyayari sa ating buhay. Maaaring binibigyann tayo ng mga pagsubok dito sa lupa upang tayo ay lalong matuto, maging matatag sa buhay, lalong makilala, mapalapit Diyos, at mamulat sa ating mga pagkakamali. 

Lagi nating tatandaan na sa lahat ng pagsubok na darating sa atin ay dapat nating harapin ito at huwag basta-bastang susuko. Lagi tayong magdarasal at hihingi sa Diyos ng gabay sa ating pang araw-araw na buhay. Minsan lang tayo mabuhay kaya gawin nating mas kapaki-pakinabang at may kabuluhan ang ating buhay. Ikaw ay maging ehemplo at maging inspirasyon sa mga taong nangangailangan.

Comments